Boga ng parak selyado
Ilang araw bago ipagdiwang ang bagong taon ay nagsagawa na ang Eastern Police District ng pagselyo ng mga nguso ng baril sa kanilang kapulisan upang masiguro na hindi magpapaputok ang mga ito nang walang katuturan na maaring ikabibiktima ng mga inosenteng tao.
Kahapon ng umaga ay isinagawa ang “sealing of gun nuzzles” ng may 400 pulis sa EPD Headquarters sa Caruncho, Pasig City na pinangunahan ni EPD Director C/Supt. Lino Calingasan.
Ayon kay Calingasan, bagamat nauna ng sinabi ni National Capital Region Police Office Director C/Supt. Leopoldo Bataoil na hindi na kailangan na selyuhan ang mga baril ng pulis ay mas pinili ng una ang nakagawian ng paglalagay ng tape sa mga nguso ng baril upang maging tiwala ang mga tao sa kapulisan. Ipinaliwanag pa ni Calingasan na maipuputok lamang ng mga pulis ang kanilang mga baril sa mga oras at panahon na tinatawag sila ng kanilang tungkulin o sa “legitimate and actual operations.” (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending