Sekyu tumalon mula 12th floor, todas

Nasawi ang isang 42 anyos na guwardiya ma­tapos tumalon mula sa ika-12 palapag ng isang gu­saling kanyang binabantayan kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila. Namatay habang ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Emmanuel Mag­sinang, may-asawa, na naka-duty sa Atlanta Bldg., Navarra St., Dapitan, Sampaloc.

Sa inisyal na ulat ni   Det. Gerry Amores ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-9 ng umaga nang tumalon ang biktma mula sa 12th palapag ng nasabing gusali at bumagsak sa bubu­ngan ng isang gasolinahan.

Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital subalit dakong-1:11 ng hapon ng ideklara na itong patay. Pa­tuloy namang nagsasagawa ng malalim na imbes­ti­gasyon ang pulisya kung sinadyang ihulog ang nasawi o talagang nagpakamatay ito. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments