Sekyu tumalon mula 12th floor, todas
Nasawi ang isang 42 anyos na guwardiya matapos tumalon mula sa ika-12 palapag ng isang gusaling kanyang binabantayan kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila. Namatay habang ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Emmanuel Magsinang, may-asawa, na naka-duty sa Atlanta Bldg., Navarra St., Dapitan, Sampaloc.
Sa inisyal na ulat ni Det. Gerry Amores ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-9 ng umaga nang tumalon ang biktma mula sa 12th palapag ng nasabing gusali at bumagsak sa bubungan ng isang gasolinahan.
Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital subalit dakong-1:11 ng hapon ng ideklara na itong patay. Patuloy namang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya kung sinadyang ihulog ang nasawi o talagang nagpakamatay ito. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending