8-anyos kritikal sa ligaw na bala

Kritikal ang isang batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa isang hindi pa nakikilalang suspek maka­raang magkaroon ng rambulan sa kanilang lugar sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Damiel Garcia, 8, ng 177 8th Avenue ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:30 ng gabi, nagrambulan ang tiyu­hin ng biktima na si Ramon Garcia, 31, at mga kalugar na sina Reggie Men­doza; kapatid nitong si Roldan Mendoza; Joel Estrada at isang nagngangalang Edgar sa isang basketball court sa na­sabing lugar, nang biglang may pumutok na baril.

Malapit ang bata sa mga nagraram­bulan at minalas itong tinamaan ng ligaw na bala na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na pagamutan. (Lordeth Bonilla)

Show comments