^

Metro

ATM machine bantay-sarado sa pulisya

-

Minomonitor ngayon ng Pasig Police ang lahat ng mga Automated Teller Machine (ATM) sa lung­sod upang maiwasan ang mga insidente ng holdap at salisi dahil sa inaasahang withdrawals ng tao para sa pambili ng kanilang pang media noche.

Kasabay nito ay ipinag-utos rin ni Pasig Police officer in charge P/Supt. Ramiro Bausa ang pagta­ta­laga ng uniformed at naka-civilian na mga police sa mga strategical places ng mga ATM.

Ang kautusan ay ka­sabay ng pagkakaaresto ng mga kagawad ng SWAT kay Ferdinand Del­mendo, 40, ng Ronquillo St., Tropang Bagsik, Tipaz, Taguig City matapos nitong biktimahin si Fatima Mon­tong, 52, isang OFW, ng Brgy. Caniogan Pasig City.

Sa ulat, dakong alas-2:49 ng hapon nang ma­aresto nila ang suspek sa harap ng Automated Teller Machine (ATM) sa Mabini St., Brgy. Kapasigan.

Nabatid na nagwi­-with­draw ang biktima sa ATM ng Philippine National Bank (PNB) nang duma­ting ang suspek mula sa likuran ng biktima at nag-kunwaring kostumer.

Biglang lumapit ang suspek sa biktima at agad na pumindot sa ATM na kung saan ay naglabas ng 7 piraso ng P500 at 7 pi­raso naman ng P100 na uma­­abot naman sa P4,000.

Bagamat nabigla ay nakipag-agawan ang bik­tima sa suspek ng dampu­tin nito ang perang luma­bas sa ATM machine. Na­pansin naman ng nagpa­patrulyang SWAT ang ko­mosyon na agad rumes­ponde na ikinahuli ng suspek. 

Sa himpilan naman ng pulisya ay isa pang com­plainant ang dumating at positibong itinuro ang sus­pek na siyang kumuha ng kanyang P10,000 noong Nobyembre 18, 2008 da­kong alas-12 ng tanghali sa nasabi ring ATM machine. (Edwin Balasa)

ATM

AUTOMATED TELLER MACHINE

BRGY

CANIOGAN PASIG CITY

EDWIN BALASA

FATIMA MON

FERDINAND DEL

PASIG POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with