^

Metro

NBI at PDEA magtutulungan sa P50-M suhol

-

Handang makipag­tulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency sa National Bureau of Investigation sa isinasa­gawa nitong imbesti­gas­yon ukol sa ibinunyag nilang P50 milyong panu­nuhol para mapalaya ang tatlong kilabot na uma­no’y drug trafficker buhat sa mayayamang angkan.

Pinapurihan rin ni PDEA Director General Dionisio Santiago Jr. ang pagpapaimbestiga ni Deparment of Justice Secretary Raul Gonzalez sa naturang isyu. 

Handa naman ang PDEA na ibigay ang ka­nilang buong kooperas­yon sa mga tauhan ng NBI-Special Task Force na nauna nang nagtungo sa kanilang tanggapan nitong Disyembre 23.

Una nang inihayag ni Santiago ang tangka uma­nong panunuhol sa kan­yang mga tauhan ng ilang maimpluwensyang tao para ilaglag ang kaso ng mga drug suspect na sina Richard Santos Brodett, Joseph Ramirez Tecson at Jorge Jordana Joseph.

Dito na naglabasan ang ilang ulat na nilapitan rin ng grupo ang mga piskal ng DOJ at inalok ng multi-milyong halaga na posibleng umaabot sa P50 milyon para mapa­laya ang mga akusado.

Matatandaan na na­aresto ng mga kagawad ng PDEA sa isang mag­ka­kasunod na operasyon ang tatlo sa Ayala Ala­bang, Parañaque City at Araneta Center sa Cu­bao, Quezon City noong Setyembre 21. Nakum­piska sa mga ito ang iba’t ibang iligal na droga ka­bilang na ang ecstacy.

Nabatid na ang mga ito umano ang posibleng supplier ng ecstacy sa mga ‘events’ na kanilang pino-produce kung saan posibleng kustomer nila ay mga artista at mga mayayamang kabataan.

Sinampahan ng kaso ang mga suspek nitong Setyembre 21, 2008 at idinitine sa PDEA Custodial Detention Facility. 

Nakapagdududa na­mang nadismis ang ka­ song isinampa ng PDEA laban sa mga ito sa re­solusyong inilabas ng National Prosecution Service ng DOJ nitong Disyembre 2 at natang­gap ng PDEA nitong Dis­yembre 19.

Agad nakipag-ugna­yan ang PDEA Legal and Prosecution Service kay Secretary Gonzalez para sa “mandatory automatic review” nito sa kaso base sa DOJ Memorandum Circular Number 46.

Nagbanta naman si Santiago na kanilang ipag­lalaban ang naturang kaso. “We will exhaust all legal remedies; this time, we will no longer take things sitting down,” sabi ni Santiago. (Danilo Garcia)

ARANETA CENTER

AYALA ALA

CUSTODIAL DETENTION FACILITY

DANILO GARCIA

DEPARMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

DISYEMBRE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with