Negros Navigation office nasunog

Nasunog ang tanggapan ng isang shipping firm, sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SFO2 Em­manuel Gaspar, ng Manila Fire Dept., dakong alas- 2:19 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa loob ng marketing office ng Negros Navigation na matatagpuan sa Pier 2, North Harbor, sa Port Area.

Wala naman umanong alarma na itinaas kaugnay sa insidente dahil kaagad din itong naapula dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Pinaniniwalaang nagsi­mula ang sunog sa napabaya­ang air-conditioning unit na nag-overheat sa naturang tang­­gapan. Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente ha­bang tinatayang umaabot sa P500-libo ang halaga ng mga ari-arian na napinsala dahil sa sunog. (Ludy Bermudo)

Show comments