^

Metro

Binata todas sa resbak

-

Isang 18-anyos na binata ang natodas, habang tatlo pa ang nasugatan nang barilin ng isa sa apat na suspect na pinaniniwalaang nagplano ng ‘resbak’ sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Paul Herbert Merto, estudyante at resi­dente ng B. Maria Pajo St., Tondo, Maynila bunga ng tina­mong tama ng bala sa likod.

Sugatan at nilalapatan ng lunas ang tatlo pang bikti­mang kinilalang sina Ernesto Calangi, 22; Violeta Nabor, 52; at Jopher Arilio, 15, na na­damay matapos tamaan ng ligaw na bala sa hita at paa.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkikilanlan sa gunman at tatlo pang kasamahan nito na pinaniniwalaang miyembro ng isang gang.

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police Dis­trict (MPD)-Homicide Section, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang pamama­ril sa panulukan ng Wagas at Sgt. Mabagos Sts., Tondo.

Nabatid na naglalaro ng video game ang biktima at ka­ibi­gang si Jefferson Castro sa Abes Barbershop ay tina­wag ito ng grupo ng mga sus­pect at itinanong kung siya ang nag­ngangalang “Paul”, na sinagot naman umano ng ‘oo’.

Dahil sa naramdaman umano ang panganib ay ma­bilis na itinulak ng biktima ang suspect na may hawak ng baril at nagtatakbo sa direk­siyon ng Mabagos St.

Gayunman hinabol pa rin siya ng mga suspect at saka pinaulanan ng putok ng baril. 

Napadaan naman umano si Calagi na nagmamaneho ng kanyang sasakyan nang matamaan ng ligaw na bala.

Maging sina Nabor at Arillo na noo’y may binibili sa isang tindahan ay nahagip din ng ligaw na bala. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ABES BARBERSHOP

ERNESTO CALANGI

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

HOMICIDE SECTION

JEFFERSON CASTRO

JONATHAN BAUTISTA

JOPHER ARILIO

LUDY BERMUDO

MABAGOS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with