^

Metro

Christmas party fire: 2 patay

- Danilo Garcia -

Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang sumik­lab ang sunog sa isang res­taurant bar sa kasagsagan ng kanilang Christmas party kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon kay BFP-National Capital Region chief, Sr. Supt. Pablito Cordeta na nakilala ang mga nasawi na sina Crispin Ignacio, empleyado ng Music 21 Family KTV bar sa Timog Avenue at Edgar Garcia, 32, caretaker sa na­sunog na KGB Bar and Grill na nasa panulukan ng Mother Ignacia at Scout Borromeo Sts. sa nabanggit na lungsod.

Sugatan naman sa insi­dente sina Floyd Phillip, 24;   Ronald Malacat at Anthony Garcia, mga boarders ng na­turang bar na ginagawang boarding house rin ang ika­lawang palapag.

Sa inisyal na ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-3:50 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa may kusina ng naturang bar sa unang palapag. Nabatid na nagseselebra ng kanilang Christmas party ang mga empleyado at boarders ng naturang bar na pag-aari ng isang Rosalie Enriquez nang sumiklab ang sunog.

Agad namang rumes­ponde ang iba’t ibang unit ng bumbero sa Metro Manila kung saan naisailalim lamang sa kontrol ang apoy dakong alas-5:25 na ng umaga kung saan umabot ito sa ikalimang alarma.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection-National Capital Region chief, Sr. Supt. Pablito Cordeta na posibleng dahil sa sobrang kalasingan kaya hindi na nagawang maka­labas ng establisimiyento ng mga biktima na naipit sa loob at kasamang natusta.

Tinitignan din naman ng Quezon City Fire Department ang ulat na isang babae na may diprensiya sa pag-iisip ang may kagagawan sa natu­rang sunog.

Patuloy naman ang clear­ing operations ng mga ka­gawad ng pamatay sunog upang mabatid kung may iba pang nasawi sa trahedya habang nangako si Cordeta ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

ANTHONY GARCIA

BAR AND GRILL

BUREAU OF FIRE PROTECTION-NATIONAL CAPITAL REGION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRISPIN IGNACIO

EDGAR GARCIA

FLOYD PHILLIP

PABLITO CORDETA

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with