^

Metro

Shootout: 4 kidnaper utas

- Angie dela Cruz, -

Nasawi ang apat na kala­lakihan na remnants ng “Villa­ver Kidnap For Ransom Group” makaraang makipag-barilan sa mga miyembro ng Presidential Anti-Crime Emer­gency Response (PACER) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ka­hapon ng madaling-araw sa Valenzuela City. Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang mga pangalan ng apat na mga suspek, kung saan ang tatlo dito ay kaagad na nasawi, samantalang ang isa dito ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City General Hospital (VCGH).

Patuloy namang nagsasa­gawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa dalawang kasamahan ng mga suspek na mabilis na naka­takas habang nasa kainitan ng barilan.

Ayon sa report ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-2:35 ng madaling-araw sa West Service Road, San Gregorio, Brgy. Canumay ng nasabing lungsod.

Nabatid na sinusundan ng mga tauhan ng PACER at CIDG ang sasakyan ng mga suspek na isang kulay itim na Revo na may tampered plate number na XPC-483 na uma­no’y matapos na makatang­gap ng report na magsasa­gawa ang grupo ng kanilang operasyon sa San Juan.

Gayunman, natunugan ng mga suspect ang pagbuntot sa kanila ng mga awtoridad kaya mabilis na pinaharurot ang kanilang sasakyan   pa­tungong North Luzon Ex­press­way (NLEX) kaya’t agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng PACER at CIDG sa Valenzuela City Police.

Makalipas ang mahabang habulan ay nagawa ring ma­korner ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek ngunit sa halip na magsisuko ay nagpaputok ang mga ito, dahilan upang mapilitang gumanti ang pulisya.  (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

KIDNAP FOR RANSOM GROUP

NORTH LUZON EX

PRESIDENTIAL ANTI-CRIME EMER

SAN GREGORIO

SHY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with