NCRPO nagbabala sa indiscrimante firing
Bukod sa kanilang mga tauhan, muling nagpalabas ng babala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa lahat ng miyembro ng military, civilian volunteers, security guards, at mga sibilyang may-ari ng baril laban sa indiscri minate firing‚ ngayong selebrasyon ng Pasko.
Binalaan ni NCRPO chief, Director Leopoldo Bataoil ang mga ito na agad na aarestuhin at sasampahan ng kaso sa oras na mahuli ng kanyang mga tauhan. Ipinag-utos ni Bataoil sa kanyang mga pulis na bukod sa hindi pagpapaputok ng sarili nilang baril upang makisabay sa selebrasyon, ibinilin nito ang pagbabantay sa mga lugar na may kasaysayan ng mga tinamaan ng ligaw na bala at agad na arestuhin ang mga lalabag sa kautusan.
“Mahigpit nating pinagbabawal ito. Ang mga tauhan natin, mga kapatid sa military, mga CAFGU, mga security guards at firearms holder na civilian”, ayon kay Bataoil.
Ipinauubaya naman ng NCRPO ang pagseselyo ng baril ng kanilang mga pulis sa mga district directors sa kabila na nagpahayag na ang Quezon City Police District (QCPD) na hindi ito gagawin ngayong taon. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending