Bumalik sa crime scene, todas
Nasawata na ng mga barangay tanod ang isang riot subalit bumalik pa ang 24-anyos na lalaki at muling naghamon ng away na ikinasawi nito matapos saksakin ng kalabang grupo sa Sta Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Patay na nang maipasok sa Ospital ng Maynila Medical Center ang biktimang si Dick Bela, alyas “Puknoy”, may-asawa, ng #562 Int.2, Pasig Line, Sta Ana. Pinaghahanap na ng pulisya ang suspect na si Ryan Racuya, 19, ng 2575 Tejeron St., Sta Ana.
Bago ang insidente, nasangkot ang biktima sa riot at nasugatan ang suspek subalit natigil ang gulo nang umentra ang mga barangay tanod.
Ilang oras na ang lumipas nang balikan ng biktima ang lugar at inabutan ang sugatang suspek at hinamon ito. Hindi akalain ng biktima na armado na ang suspek ng patalim na ipinanaksak sa kanya. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending