Kinatay na prosti at bugaw kilala na!

Natukoy na ng Caloocan City Police kahapon ang isang baklang “bugaw” at alaga nitong babae na pinatay sa saksak at isinako ng dalawang kalalakihan sa lunsod kamakailan.

Positibong kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Arnel Avendaño, 30-anyos, ng Rosas Street, Tala ng na­banggit na lungsod at Ropa Regondola, 17, residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Disyembre 18, nagpunta ang mga biktima sa bahay ng mga suspek na sina Abdul Ramoros, 21 at Anowar Ala, 26 sa King Solomon Street, Tala upang ibugaw dito ni Avendaño si Regondola.

Hindi umano nagkasundo sa bayaran ang magkabilang panig na naging dahilan upang tumutol na makipag-sex si Regondola na naging dahilan upang maasar ang mga suspek at pagtulungang pagsasaksakin ang mga biktima hanggang sa mamatay ang mga ito.

Matapos nito ay isinilid ang mga biktima sa mag­kahiwalay na sako bago itinago sa ilalim ng kama kung saan kinahapunan ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente mula sa nakasaksi ng pangyayari. Nadakip kinalaunan ng pulisya ang mga suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments