Karpintero nalunod sa alak

Pinaniniwalaang sobrang pag-inom ng alak ang naging dahilan upang hindi na magising ang isang 47-anyos na karpintero sa Sta. Ana, Maynila ka­hapon ng umaga

Nakita na lamang na wala nang buhay si Rolando Alican, may-asawa, ng #2580 Granate St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang tangka­ing gisingin ni Reynold, anak ng biktima, ang ama sa loob ng kanilang bahay subalit hindi na ito humihinga.

Nabatid na magdamag na nakipag-inuman ang biktima noong Disyembre 19 at nang lasing na lasing na umano ay umuwi ng bahay at natulog. (Ludy Bermudo)

Show comments