LRT inihanda sa terorismo

Nagsagawa kahapon ng ‘simulation exercises’ ang National Capital Region Police Office at ang mga empleyado ng Light Rail Transit Autho­rity bilang pagpapakita ng kahandaan laban sa terrorist attacks.

Ang ‘simulation exer­cises’ ay pinangunahan ni NCRPO Chief P/Di­rector Leopoldo Bataoil sa LRT Cubao-Araneta Cen­ter Station sa Que­zon City.

Sinabi ni Bataoil na la­yu­nin ng drill na mahasa ang mga kawani ng LRT sa pagkilos sakaling mag­karoon ng hindi ina­asahang pangyayari na may kaugnayan sa pag­hahasik ng karaha­san at sindak ng mga terorista.

Naniniwala si Bataoil na mabilis na makaka­kilos ang sinuman kung alam ng mga ito ang ka­nilang gagawin sa pana­hon ng emergency.

Gayunman, nilinaw ng heneral na wala naman silang natatang­gap na impormasyon na may planong pag-atake sa Metro Manila mula sa masamang elemento.

Kasunod nito, sinabi ni Bataoil na hindi dapat maalarma ang publiko at ang kanilang ginawang drill ay paghahanda la­mang para hindi makalu­sot ang mga terorista. (Joy Cantos)

Show comments