^

Metro

Magkapatid pinaulanan ng bala

-

Isang magkapatid ang pinaulanan ng bala ng baril kama­ka­lawa sa Quezon City.

Nasawi agad si Edena Rosano, 23, binata, gar­bage truck helper, ng Blk-6.Lot-25 Golden Shower St., Payatas-B, sa natu­rang lungsod.

Ginagamot naman ang 25-anyos na kapatid niya na si Elaidia sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kan­yang kaliwang binti.

Nakillala naman ang isang suspek sa panga­lang Abner habang hindi pa nakikilala ang dala­wang kasamahan nito na nagsitakas matapos ang krimen.

Nag-iinuman umano ang magkapatid sa isang tindahan malapit sa ka­nilang lugar nang lapitan sila ni Abner kasama ang dalawa pang suspek at bigla na lamang sinuntok si Edena sa ’di malamang dahilan.

Pumalag naman ang biktima at ang kapatid nito kaya nagsuntukan ang magkabilang panig na naawat naman ng mga residente roon.

Nagpasyang tapusin ng magkapatid ang ka­nilang inuman at saka nag­desisyong umuwi na ng bahay para hindi na lumala pa ang nangya­ring away. Pero lingid sa ka­ala­man ng dalawa, ina­ba­ngan na pala sila ng mga suspek na pa­ wang ar­ma­do ng mga baril at dito wa­lang ha­bas silang pinag­ba­baril. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDENA

EDENA ROSANO

ELAIDIA

GINAGAMOT

GOLDEN SHOWER ST.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with