Kelot nanghingi ng pamasko, tinodas

Dahil sa pangungulit sa paghingi ng pamasko, isang lalaki ang pinatay sa saksak ng isang 68-anyos na lolo kamaka­lawa sa Navotas City.

Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng isang malalim na saksak sa ka­liwang tagiliran ang bik­timang kinilala lamang sa alyas “Jabar,” nasa hus­tong gulang at walang tiyak na tirahan.

Nadakip naman ang suspek na si Bonifacio Tanone ng C-4 Road ng na­banggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang in­sidente sa kahabaan ng Piscador St., Brgy. Bang­kulasi sa Navotas.

Nakatayo ang suspek nang lapitan ito ng bik­tima upang manghingi ng aginaldo subalit hindi ito binigyan ng una.

Namilit at nangulit umano ang biktima sa sus­­pek hanggang sa bu­ nutin ng huli ang dala nitong patalim at unda­yan ng saksak ang una.

Matapos ang insiden­te ay isinugod ang bikti­ma sa os­pital su­balit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga habang na­dakip naman ang sus­pek ng mga nagres­pon­deng barangay tanod.

Show comments