^

Metro

Metro police naalerto sa Iligan bombing

-

Dahil sa pambobomba kamakalawa sa dala­ wang shopping mall sa Iligan City na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasugat ng 47 pa, inilagay sa alerto ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office kasabay ng pagpapakalat ng dagdag na pulis at K9 units sa matataong lugar sa Metro Manila.

Tinagubilinan ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa si NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil na magpatupad ng dobleng paghihigpit sa seguridad at pagpapalakas ng visibility patrol sa Metro Manila.

Maging ang mga patrol cars ng limang distrito ng NCRPO sa Metro Manila ay todo higpit ang pag­pa­patrulya upang maiwasan ang kahalintulad na scenario ng Disyembre 2000 bombing.

Nakipag-ugnayan na rin, ayon pa sa opisyal ang NCRPO sa Regional Special Action Units at in-house security ng Light Rail Transit para sa mas mahigpit na pagbabantay. (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

DAHIL

DISYEMBRE

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO MANILA

NAKIPAG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

REGIONAL SPECIAL ACTION UNITS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with