Prosti at bugaw kinatay ng kustomer

Isang babaeng nag­be­benta ng panandali­ang-aliw at isa niyang bugaw na bakla ang ki­natay bago isinilid sa sako ng dalawang lalake makaraang lokohin nila ang mga suspek sa Tala sa Caloocan City.

Sinasabi sa ulat ka­hapon ng pulisya na ibi­nu­gaw ng bakla ang babae sa mga suspek. Nagbayad ang mga suspek pero tumanggi ang prostitute na maki­pag­talik dahil wala uma­no itong natanggap na pera.

Sinasabi sa ulat ng pulisya kahapon na hindi pa mabatid ang pangalan ng mga biktima habang hinihintay pa ang pagda­ting ng mga kamag-anak nito.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Abdul Romoros, 21, binata; at Anowar Ala, 25, binata, ng Block 4, Lot 20, Phase 12, Package 3, King Solomon St., Brgy. 88, Tala.

Ayon sa ulat ni PO2 Noli Albis, may-hawak ng kaso, ganap na alas 3 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang bang­kay ng mga biktima na nakasilid sa magkahi­walay na sako sa ilalim ng isang kama sa may Block 4, lot 20, Phase 12, Package 3, King Solomon St.

Sinasabing bago ang insidente, ibinugaw uma­no ng biktimang lalake na isa umanong bading ang babae sa dalawang sus­pek sa halagang P1,000, at dahil mataas ay nag­kasundo ang mga ito sa P300.

Nang maibigay ng dalawang suspek ang pera sa bading ay hindi nito ibinigay sa babae kung kaya nang punta­han ng mga una ang huli para sa pa­nan­daliang-aliw ay tu­manggi ang huli dahilan upang magalit ang mga ito.

Dahil naloko, pinunta­han ng mga suspek ang lalake at pinagsasaksak hanggang sa mapatay bago tuluyang isinunod ang babae na nagawa pang makatakbo at nang maabutan ay saka pi­natay sa saksak, bago tuluyang isinilid ang mga ito sa sako.

Show comments