^

Metro

Blood bank sinalakay: 3 timbog

-

Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang isang blood bank na nag-ooperate kahit may closure order na buhat sa Department of Health, na nag­resulta sa pagkaka-aresto ng isang medical technologist, dalawang kasabwat nito at 28 iba pang pawang blood donors, sa Sta Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na suspects na si Erwin Ma­sangkay, 26, med-tech, ng Philippine Blood Bank na ma­tatagpuan sa #1867 F. Huertas St., cor. Tayuman St, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni MPD-station 3 chief, Supt. Romulo Sapitula, isang impormante ang nag­tungo sa presinto upang ipa­batid ang iligal na operasyon ng nasabing blood bank na batay sa beripikasyon ng pu­lisya ay may ‘cease and desist’ order nang inisyu ang DOH noong Nobyembre 3, 2008.

Nabatid kay Sapitula na lumipat lamang ng lugar ang nasabing commercial blood bank, na dating nasa #1664 Alvarez st., Sta Cruz, Maynila.

Isinagawa ang raid da­kong alas-6:30 ng umaga kung saan nadakip din sina dalawang personnel ng blood bank at mga lalaking muk­hang may mga taglay na sakit, may mga tattoo sa katawan, na pawang nakatakdang mag-donate umano ng dugo.

Aminado ang mga hindi pinangalanang blood donors na hindi sila dumaan sa anu­mang health screening kahit iskedyul na nila ng mga oras na iyon para sa blood letting.

Bigo ang mga awtoridad na masakote ang operator ng nasabing blood bank subalit nakumpiska bilang ebidensiya ang 3 blood bag na may lamang 450cc, mga speci­men, timbangan, microscope, balancer, centrifuge at iba pang paraphernalia. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BLOOD

DEPARTMENT OF HEALTH

ERWIN MA

HUERTAS ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

SHY

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with