^

Metro

Bagong silang na sanggol itinapon

-

Isang bagong silang na sanggol ang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan matapos itong iwanan ng kan­yang magulang sa kalsada sa kalamigan ng hatinggabi sa Mandaluyong City.

Ayon kay Bong Zafra, residente ng San Rafael St., Brgy. Plainview ng nasabing lungsod, dakong alas-11:45 ng gabi ng makarinig siya ng ilang katok mula sa gate ng kanilang bahay subalit hindi niya ito pinasin.

“May kumatok nung una, hindi ko pinansin, maya-maya kumakatok na ’yung isang ka­pit­bahay namin dahil may baby daw na iniwan sa hara­pan ng bahay namin,” paha­yag ni Zafra sa isang pa­nayam.

Nabatid na isang taxi na may plakang TVH-255 sakay ang dalawang babae ang nag-iwan ng nasabing sang­gol sa kalsada na matapos kumatok sa bahay ni Zafra ay mabilis ng pinaharurot ang kanilang sasakyan.

Laking gulat ng magkaka­pitbahay ng makita ang isang bagong panganak na sanggol na babae na hindi pa napu­putulan ng pusod na naka­lagay sa isang supot.

“Nakalagay ito sa ma­laking supot nasa loob ’yung baby na nakabalot sa kumot,” pahayag ni Zafra.

Nang kanilang malamang buhay pa ang nasabing sang­gol ay agad nila itong dinala sa Mandaluyong General Hospital upang ipatingin ang kalagayan nito at sa ginawang pagsusuri ni Dr. Ma. Chona Gahol ay lumalabas na anim hanggang walong oras pa lang bago naisilang ang na­sabing sanggol na kanilang pinangalanang “Baby Angel”.

Nabatid pa na himalang nabuhay ang sanggol dahil sa sobrang lamig ng klima sa labas ay hindi proteksyon ang kumot na ibinalot sa katawan nito, sa ngayon ay magsasa­gawa pa ng ilang pagsusuri upang masigurong nasa maayos ng kalagayan si Baby Angel bago ito i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang patuloy na inaalam ng pulisya kung kanino nakare­histro ang nasabing taxi. (Edwin Balasa)

BABY ANGEL

BONG ZAFRA

CHONA GAHOL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DR. MA

EDWIN BALASA

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG GENERAL HOSPITAL

SHY

ZAFRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with