^

Metro

Dahil sa malamig na panahon, taxi driver inantok, truck sinalpok

-

Sugatan ang isang pasahero makaraang bumangga ang sinasakyan niyang taxi sa isang dump truck matapos na makaidlip ang driver nito dahil umano sa lamig ng madaling-araw   sa Quezon City, kahapon.

Ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang panig ng katawan ang biktimang inisyal na nakilalang si Raniel Perole.

 Inaresto naman ng mga tauhan ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit ang driver na si Ludovico Buan, 42; at driver ng dump truck na si Marlon Ignacio.

Sa imbestigasyon, nabatid na naganap ang insidente pasado alas-4 ng madaling-araw sa kanto ng EDSA at Samar Sts. sa Brgy. West Triangle, ng naturang lungsod. Humahagibis umano ang taxi (TYR-418) na minamaneho ni Buan nang bumangga sa likod ng dump truck na may plakang UNE-682.

Inamin naman ni Buan sa mga imbesti­gador na nakaidlip siya dahil sa lamig ng pana­hon at hindi na alam ang nangyari hanggang sa bumangga nga sa likod ng trak. 

Nabatid sa Philippine Atmospheric, Geo­physical and Astronomical Services na naitala ang pinakamalamig na panahon kahapon ng madaling araw sa Metro Manila nang bumag­sak ang temparatura sa 19 degress Celsius. (Danilo Garcia)

ASTRONOMICAL SERVICES

BUAN

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LUDOVICO BUAN

MARLON IGNACIO

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

QUEZON CITY

QUEZON CITY DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with