^

Metro

2 karnaper dedo sa Quezon City shootout

- Danilo Garcia -

Dalawang umano’y miyembro ng carnap­ping syndicate ang napatay sa pakikipagba­rilan sa mga pulis sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek na kapwa dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license sa kani-kanilang pitaka na sina Elorde, 45; at pinsang si Rogelio Salvador, 43.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-10:30 kama­ka­lawa ng gabi nang maganap ang insidente ma­lapit sa Sacred Heart Parish Church na nasa kanto ng Scout Ybardolaza at Scout Limbaga Sts., Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Bago rito, kinarnap muna ng magpinsan ang motorsiklo na pag-aari ng isang Kristtopen Gayuma, 27, sa kanto ng Don Alejandro Roces Avenue at Scout Reyes, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Ngunit habang binabagtas ng mga suspek ang naturang lugar ay naispatan sila ng mga tauhan ng pulisya na nakatanggap ng impor­masyon hinggil sa pangyayari.

Imbes namang huminto ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis at bilang pagta­tanggol sa sarili ay gumanti sila ng putok na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspect.

Nakarekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril at ang motorsiklong inagaw nila kay Gayuma.

Kamakalawa lamang ay tatlong holdaper naman ang napatay ng QCPD cops sa Biak na Bato St., sa Brgy. Sto. Domingo makaraang mangholdap ng isang pampasaherong jeep na puno ng magsisimbang gabi. (Angie dela Cruz)

BATO ST.

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DON ALEJANDRO ROCES AVENUE

KRISTTOPEN GAYUMA

LAGING HANDA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with