^

Metro

Bus marshals ikinalat na sa Metro Manila

-

Bunga ng inaasahan na namang paglipana at posibleng pag-atake ng mga masasamang ele­mento partikular ng mga miyembro ng holdup at robbery gang sa Kapas­kuhan, sinimulan na rin kahapon ng National Capital Region Office (NCRPO) ang pagpapa­kalat ng mga “bus mar­shals” sa Kalakhang Maynila.

Sa panayam kay NCRPO chief Dir. Leo­poldo Bataoil, ang na­sa­bing mga bus mar­shals ay pawang naka-uni­porme ng mga pulis na sasakay sa kada-bus kung saan dapat ay dala­wahan o kailangang “in-tandem” aniya ang mga ito.

Upang hindi naman umano makaranas ng hilo o pagka-bagot sa biyahe ay salit-salit na sasakay ang mag-part­ner na pulis na papalitan din ng kanilang mga ka-relyebo.

Sinabi pa ni Bataoil na ang nasabing mga bus marshals ay magiging kaakibat ng mga ipina­kalat na ring “Santa cops” ng NCRPO sa iba’t ibang mga matataong lugar ng metropolis gaya ng mga malls na magbabantay sa seguridad ng publiko sa Kapaskuhan.

Sa kabila nito, uma­pela naman ang kapuli­san sa publiko na maging maingat, mapag-matyag at tumulong na rin sa mga awtoridad sa pama­magitan ng pagbibigay agad sa mga kinauuku­lan ng impormasyon sa­kaling may mapansin na mga kahina-hinalang mga elemento upang mapanatili ang ligtas at masayang selebrasyon ng Kapaskuhan pati na ng Bagong Taon. (Rose Tamayo-Tesoro)

BAGONG TAON

BATAOIL

BUNGA

KALAKHANG MAYNILA

KAPASKUHAN

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with