^

Metro

Simbang Gabi shootout: 3 holdaper todas

- Danilo Garcia -

Tatlong hinihinalang holdaper ang nasawi ma­tapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng pulisya na ikinalat sa Metro Manila bilang bahagi ng ipina­patupad na seguridad sa unang Simbang Gabi, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Inilarawan ni QCPD-Homicide chief, Supt. Marcelino Pedrozo ang tatlong nasawing suspek na nasa pagitan ng edad na 28-30 anyos. Isa sa mga ito ang may tattoo na “Bahala na Gang” sa likod, kulot, nakasuot ng puting polo shirt at pan­talong maong, habang ang isa naman ay may tattoo na “BCJ (Batang City Jail)” sa likod, ma­haba ang buhok.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang   shootout dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa may Biak-na-Bato St., Brgy. Sto. Domingo, ng naturang lungsod.

Nabatid na sumakay ang mga suspek sa pam­ pasaherong jeep (PWL-816) na patungong T.M Kalaw na minama­neho ni Gene Dupal, 31, sa kanto ng Araneta at Quezon Avenue. Pag­sapit sa tapat ng Sto. Domingo Church, nag­dek­lara ng holdap ang mga suspek na armado ng kalibre .38 baril at granada.

Inutusan naman ng mga suspek si Dupal na ibaba sila sa may Biak na Bato St. kung saan agad na tumakbo ang mga ito. Mabilis namang naka­hingi ng saklolo si Dupal at mga pasahero ng jeep sa nakaistambay na patrol unit sa naturang lugar na nagradyo sa QCPD. Dito naalerto ang mga undercover opera­tives‚ ng Criminal Investi­gation and Detection Unit sa pangunguna ni Supt. Antonio Yarra na nagsa­sagawa ng overt opera­tions para sa seguridad sa unang simbang gabi.

Agad na hinabol ng mga pulis ang mga tuma­takas na suspek hang­gang sa masukol. Sinabi ng pulisya na una uma­nong nagpaputok ang mga suspek kung saan gumanti naman ng putok ang mga alagad ng batas na naging dahilan ng pag­kasawi ng mga holdaper.

Sinabi ni QCPD Di­rector, Sr. Supt. Magtang­gol Gatdula na ang epek­tibong pagkakalan­sag sa naturang mga hinihina­lang holdaper ay resulta ng seguridad at pagta­taas sa full alert status ni NCRPO chief, Director Leopoldo Bataoil sa buong Metro Manila para sa Simbang Gabi‚ na hudyat ng pag-uumpisa ng Pasko sa bansa.

ANTONIO YARRA

BATANG CITY JAIL

BATO ST.

BIAK

CRIMINAL INVESTI

METRO MANILA

SHY

SIMBANG GABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with