Negosyanteng Koreano nagbigti
Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng Mandaluyong police sa pagkakatuklas ng bangkay ng isang negosyanteng Koreano na nakabigti sa loob ng kanyang opisina kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Chan Gyun Lee, 45, may-ari ng isang catering service, matapos na makita itong nakabigti sa loob ng kanyang opisina sa Unit A-6 EDSA Arcade.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-11:15 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa loob ng kanyang tanggapan gamit ang isang nylon cord na ipinulupot sa leeg nito at itinali sa kisame.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na posibleng nagpakamatay umano ang biktima na ayon sa SOCO ay mahigit 24 oras ng patay at wala itong marka na nakipagbuno o anumang kaguluhan sa loob ng opisina nito. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikalilinaw ng kaso. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending