Dirty Dozen tiklo

Isang 19-anyos na miyembro umano ng Dirty Dozen Gang ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District matapos nitong patraydor na saksakin at mapatay ang isang food attendant sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.   

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek na si Carlo Catral, walang trabaho, miyembro ng nasabing gang at residente ng 406 Pavia St., Tondo ng pamamaslang sa biktimang si Daniel Masanque Jr., 23, may-asawa, ng Model Community, Tondo. (Ludy Bermudo)

Show comments