Dinedma lamang ng Metropolitan Manila Deve lopment Authority ang kasong grave misconduct at oppression na isinampa laban dito ng isang motel sa Pasay City makaraang tayuan ng ahensiya ng bus unloading at loading bay ang sidewalk sa harapan ng nasabing establisimiyento.
Ayon kay MMDA Chairman Bayani Fernando, hindi natinag ang kaniyang ahensiya sa nasabing mga kaso na isinampa sa Ombudsman ng Mahal Kita Motel na nasa Edsa, Pasay City dahil wala naman silang nalabag sa batas.
Ikinatwiran pa ni Fernando na pag-aari ng gobyerno ang lupang tinirikan ng nasabing loading at unloading bay ng mga bus kaya walang da hilan para maghimutok ang namamahala ng motel. (Rose Tamayo-Tesoro)