^

Metro

13 MMDA men kinasuhan ng robbery

-

Sinampahan na ng ka­song kriminal ng National Bureau of Investigation sa Caloocan City Prosecutors Office ang 13 Sidewalk Clearing Operation Group ng Metro Manila Development Authority na umano’y walang permi­song tuma­ngay sa vertical clearance signage ng Light Rail Transit Authority sa Ca­loocan City noong Hulyo.

Kabilang sa ipinagharap ng kasong robbery sina Fer­ nando Flores, SCOG-MMDA team leader; Robert Lao at Gil Silos, security back up at 10 helper na sina Rollien Arayata; Gilmar Deloria; Rhoyleen Arro; Alex Inocando; Rico Vico; Richard Ordales; Perfecto Mi­guel; Mark Davie Magaro; Joven Abanes at Senon Tejada.

Nilinaw ni NBI Special Task Force investigator Atty. Dickson Maraneg na na­iberipika nila at ng LRTA civil security office na wa­lang pahintulot o kautusan mula sa MMDA head office na kunin ng grupo ang nasa­bing signage na dating na­kikita sa 5th Avenue, Ca­loocan City at nagkaka­ha­laga ng P1.7-mil­yon at pag-aari ng LRTA.

Ito umano ang nagsilbing babala sa mga sasakyan sa pinapahintulutang limitasyon sa taas ng behikulong da­daan sa ilalim ng railway.

Gayunman, sinabi ni Maraneg na noong Hulyo 22, 2008, nagtungo sa na­turang lugar ang mga ta­uhan ng MMDA at tinanggal sa pama­magitan ng acetylene welding machine ang naturang Vertical Clearance Signage nang walang per­miso mula sa LRTA. (Ludy Bermudo)

ALEX INOCANDO

CALOOCAN CITY PROSECUTORS

DICKSON MARANEG

GIL SILOS

GILMAR DELORIA

HULYO

JOVEN ABANES

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LUDY BERMUDO

MARK DAVIE MAGARO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with