P1.4-M pekeng sabon kinumpiska ng NBI
Umaabot sa P1.4 milyong halaga ng mga pekeng whitening soap at gamot ang nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa sunud-sunod na pagsalakay sa ilang establisimyento sa Maynila.
Ayon kay Head Agent Norman Decampong, executive officer ng NBI-Intellectual Property Rights Division, kabilang sa mga nakumpiska ay ilang kahon ng mga pekeng Active White soap at mga kapsula mula sa may 26 na Chinese drug stores sa sunud-sunod na raid na kanilang isinagawa.
Kabilang sa mga sinalakay ang Benson Chinese Drugstore, Mansoon Chinese Drugstore, Mankok Chinese Drugstore, Shun Xin Chinese Drugstore, Wenbin Chinese Drugstore, New World Chinese Drugstore, Cathay Oriental Chinese Drug Store, Kim Seng Chinese Drugstore, Kaka Drugstore, Manning Chinese Drugstore, Ban-san Chinese Drugstore, Long Tai Chinese Drugstore at Hong Thay Chinese Drugstore.
Sinalakay din ang Odeon Chinese Drugstore, Brilliant Times General Merchandise, Emerald Circle Mall, Sun Hing Chinese Drugstore, Bon Ping Drugstore, Central Drugstore, Ronquillo Chinese Drugstore, Healthway Drugstore and General Merchandise, East Asia Chinese Drugstore, Xing Long Chinese Drugstore, East West Chinese Drugstore, Lam Kang Drugstore at Son-An Drugstore.
Ang nasabing pagsalakay ay bunsod sa reklamo ni Jose Ong Ching ng Active White sa NBI na ang nasabing mga establisyemento ay nagbebenta ng mga pekeng sabon at gamot na may tatak na Active White.
- Latest
- Trending