^

Metro

2 timbog sa pekeng gold bars

-

Tiklo ang dalawang lalaking nagbebenta ng pekeng gold bar nang isailalim sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa aktong nagbe­benta sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspect na sina Danilo Santos, 45; at Rudy Ortega, 38. Inireklamo sila ng biktimang si Teodoro De Castro, 44, ng Taal, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon nang dakpin ang supect sa parking area ng Harrison Plaza Commercial Complex, Malate, Manila, kung saan nasam­sam ang mga bar ng ginto na inialok sa halagang P4-milyon.

Sa reklamo, una nang nagkaroon ng transaksiyon ang biktima at mga suspect sa Mati, Davao City noong Disyembre 5, 2008, na hindi umano natuloy ang benta­han. Nitong Dis. 8, muling tinawagan ng mga sus­pect ang biktima at inalok na sa Maynila na sila magbe­bentahan ng gold bars. Dahil sa pagdududa, ipinagbigay-alam ng biktima sa pulisya ang magiging bilihan upang maka­siguro at nang ipasuri ay natuklasang peke na doon na dinakip ang mga suspect. (Edwin Balasa)

BATANGAS

DANILO SANTOS

DAVAO CITY

EDWIN BALASA

HARRISON PLAZA COMMERCIAL COMPLEX

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NITONG DIS

RUDY ORTEGA

TEODORO DE CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with