^

Metro

1 toneladang 'hot meat' nasamsam

-

Muling pinag-iingat ng Quezon City Police District at National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko sa pamimili sa Balin­tawak Market sa Quezon City sa pag­dagsa na naman ng mga “double dead” na karne matapos na muling maka­kumpiska ng higit isang tonelada nito sa isang operasyon kahapon ng umaga.

Nagsagawa ng inspeksyon ang NMIS, Quezon City Health Office ka­tuwang ang QCPD sa naturang pami­lihan matapos na pumutok ang isyu ng “Ebola Reston virus” sa mga baboy buhat sa Luzon.

Umaabot sa 200 kilo ng kontami­na­dong karne ang nakumpiska ng mga tauhan ng NMIS habang higit 1 tonelada naman ang nadiskubre ng mga tauhan ng City Health Office sa hiwalay na inspeksyon.

Katuwang naman ng NMIS at QC Health Office ang mga tauhan ng QCPD kung saan hindi na nakapalag ang mga negosyante at mga tauhan ng mga ito sa ginawang pagkumpiska sa mga konta­minadong karne.

Isinunod namang ininspeksyon ng grupo ang mga palengke ng Novaliches at Commonwealth na una nang nahuli­han kamakailan ng iligal na karne ng Indian buffalo. Nagnegatibo naman sa mga double dead na karne ang naturang mga palengke.

Nakatakdang sampahan naman ng kaso ng pulisya ang mga negosyante na nahulihan ng naturang mga iligal na karne at nahaharap rin sa pagkakansela ng kanilang mga business permits. (Danilo Garcia)

CITY HEALTH OFFICE

DANILO GARCIA

EBOLA RESTON

HEALTH OFFICE

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY HEALTH OFFICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with