2 holdaper ng internet shop, arestado

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang hinihinalang holdaper na nanloob ng isang internet shop sa isang follow-up operations sa pinagtata­guang bahay ng mga ito, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Na­kilala ang mga na­dakip na sina Mark Anthony Santos, 20-anyos habang itinago naman ang pagka­ka­kilan­lan ng 17-anyos na menor-de-edad na kasab­wat nito. Kapwa naaresto ang da­lawa sa kanilang hideout sa ma Brgy. Holy Cross, No­va­liches, ng naturang lungsod.

Nauna dito, unang hinoldap ng dalawa ang isang internet shop na pag-aari ni Annabelle Ilarde sa Caloocan City kung saan natangay ang may P20,000 cash, 3 unit ng computer at isang Play Station 2 console. Agad namang iniulat ni Ilarde ang panghoholdap sa pulisya kung saan positibo nitong kinilala sa photo gallery ang suspek na si Santos. 

Dito na nag­lunsad ng operasyon ang mga pulis na nagre­sulta sa pagka­kadakip ng dala­wang suspek. Nare­kober sa mga ito ang dala­wang kalibre .38 baril ngunit wala na ang pera at mga items na ninakaw. (Danilo Garcia)

Show comments