^

Metro

Navy intel kinuyog, binugbog ng mga raliyista

-

Sumiklab ang tensiyon sa harapan ng Gate 4 sa Camp Aguinaldo matapos na kuyugin at agawan pa ng baril ng mga raliyista mula sa militanteng grupo ng Bayan Muna ang isang Navy intelligence operative sa Quezon City kahapon ng umaga.

Isinugod sa Camp Agui­naldo Station Hospital ang biktimang kinilalang si Navy Petty Officer 3 Fran­cis Gonzales, nakatalaga sa Intelligence ng Headquarters Support Command sanhi ng tinamo nitong   mga pasa at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-10 ng umaga matapos na magsipag-rally ang may 50 miyembro ng Bayan Muna Southern Tagalog sa Gate 4 ng Camp Aguinaldo.

Ayon sa ilang Military Police (MP) na nagbaban­tay sa naturang gate, hu­malo sa raliyista si Gon­zales at pinakikinggan ang karaingan ng mga ito sa isinasagawang demons­trasyon.

Nabatid na ang de­mons­trasyon ng Bayan Muna Southern Tagalog ay bilang protesta umano sa mga paglabag sa kara­patang pantao ng tropa ng militar.

Gayunman, sa kama­lasan dahilan sa matikas na tindig at porma kahit naka­sibilyan ay natunugan ng mga raliyista na hindi nila kasamahan ang na­sabing sundalo na agad ng mga itong kinuyog.

Hindi pa nakuntento ay dinisarmahan rin ng mga raliyista ng kanyang cal. 45 pistol ang nasabing intelligence operative. Matapos na bugbugin ay hinayaan din ng mga demonstrador ang nasabing sundalo na makapasok sa loob ng gate ng naturang kampo.

Kaugnay nito, ayon kay Brig. Gen. Ireneo Espino, Camp Commander sa AFP General Headquarters, paiimbestigahan niya ang insidente upang masam­pahan ng kasong kriminal ang naturang grupo ng mga raliyista.

Idinagdag pa ni Espino na gagawin nila ang lahat upang mabawi ang baril na inagaw kay Gonzales ng mga kumuyog ritong mga raliyista. (Joy Cantos)

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA SOUTHERN TAGALOG

CAMP AGUI

CAMP AGUINALDO

CAMP COMMANDER

GENERAL HEADQUARTERS

GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with