200 kilo ng imported na kalabaw, nasamsam

Umaabot sa may 200 kilo ng karne ng imported na kalabaw o Indian buffalo ang nakumpiska ng Que­zon City Police District (QCPD) at National Meat Inspection Service (NMIS) kahapon sa Commonwealth Public Market, ng naturang lungsod.

Sinala­kay ng Task Force Bantay Karne ng NMIS katulong ang mga tauhan ng QC­PD-Station 6 ang ilang pu­westo sa naturang pa­lengke matapos na maka­tanggap ng sumbong ukol sa pagbabagsak ng iligal na karne na walang sapat na mga dokumento.

Wala namang naaresto ang mga tauhan ng pulisya at ang NMIS sa naturang operas­yon.Sinabi ni TF Bantay Karne chief, Orlando Mar­quez na aalamin nila kung sino ang importer o negos­yante na nagbagsak ng naturang karne na maha­harap sa pagkakansela ng kanyang business license.

Isasailalim naman sa pag­susuri ang nakumpiskang mga karne at kung mapa­patunayang ligtas ay ka­nilang gagawing donasyon na lamang sa mga charitable institutions. (Danilo Garcia)

Show comments