Verzosa nag-sorry!
We are very sorry for what happened!
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa kaugnay ng pagkaka patay sa limang sibilyan na nadamay sa shootout ng kanilang mga operatiba at ng notoryus na grupo ng Waray Waray/Ozamis robbery/holdup gang sa Parañaque City noong Disyembre 5 ng gabi.
Agad namang kumambyo si Verzosa sa pagsasabing hindi sinasadya ng PNP ang pangyayari at ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya ng napatay na mga sibilyan.
“The collateral damage is quite unfortunate. We are still to assess where the shots came from, because there was a running gun battle during that time and the crossfire could have happened anywhere in that area,” pahayag ng PNP Chief.
Bukod dito, ayon kay Verzosa ay maaring nagkaroon ng kalituhan sa grupo ng operatiba ng pulisya lalo pa at ang namumuno o nagsusuperbisa sa operasyon sa mga itong si Sr. Supt. Eleuterio Gutierrez Jr., hepe ng Task Force Limbas ng Highway Patrol Group (HPG) ay nasapul kaagad ng tama ng bala sa ulo at nasa kritikal na kondisyon pa ngayon sa pagamutan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Verzosa na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan sa naganap na madugong Parañaque shoot-out. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending