Ginang dinukot daw ng parak
Isang negosyanteng ginang na asawa ng isang Pakistani national ang iniulat na dinukot ng isang pulis at kasamahang babae ng huli sa isang fast food chain kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Batay sa salaysay sa pulisya ni Chaudhny Kharan Aziz, 33, negosyante, Pakistani national, residente ng # 3 Sunvar Condominium, Luna St., Pasay City at mister ng biktimang si Elizabeth Macatangay, 31, una niyang inutusan ang kaniyang misis na kunin ang P35,000 bilang kabayaran sa pagkakautang ng isang May Jane alyas “MJ”
Dakong alas-7:00 ng gabi nang inihatid niya ang kanyang misis sa isang sangay ng Jollibee sa Roxas Boulevard, Pasay City para makipagkita kay “MJ” at ilang oras pa ang nakalipas ay umalis na umano ang una nang makitang kausap na ang sisingiling babae.
Mula naman noong maihatid ang biktima sa lugar, hindi na nakauwi pa ang kaniyang misis hanggang sa isang nagpakilalang pulis ang kumausap sa mister ng biktima at humihingi ng ransom money kapalit ng ligtas na pagpapalaya sa ginang. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending