Palakpak minasama, 2 janitor grinipuhan

Dahil lamang sa palak­pak, kapwa inoob­ser­­bahan sa pagamutan ang dalawang janitor makara­ang pagtulu­ngang gulpihin at atadu­hin ng saksak ng isang grupo ng mga nairi­tang kostumer sa loob ng isang karaoke bar, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Isa sa mga biktimang si Norlito Torres, 23, ng Blk. 45 Lot 6, Phase 1-C Dagat-dagatan, Navotas City ang malubha ngayon sa Pasay City General Hospital bu­nga ng mga tama sa sak­sak sa iba’t ibang bahagi ng kani­yang katawan.

Ang kumpare naman ni Torres na si Michael Sol­lano, 26, janitor, ng # 81 Ba­sillo St., Acacia, Mala­bon City ay nilapa­tan din ng lunas sa na­banggit ng pagamutan dahil sa mga sugat, bukol at pasa sa iba’t ibang bahagi na tinamo nito sa katawan.

Isa naman sa tatlong suspek na si Marlon Perez, 29, ng Sta. Rosa, Laguna ay naaresto ng mga ru­mes­pondeng pulis habang ginugulpi at sinasaksak ang mga biktima. Dalawa naman sa kasamahan ni Perez ay nagawang maka­takas.

Batay sa imbestigas­yon ni PO2 Alberto Ba­ran­­gas Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng Pare-Mare Bar & Restaurant na nasa Gil Puyat Ave­nue, Pasay City.

Sa kalagitnaan ng inu­man, natuwa umano ang mga biktima habang ku­ma­kanta ang mga sus­pek na nasa kabila na­mang lamesa.

Habang kumakanta ang mga suspek, walang puknat ang palakpak ng mga biktima.

Nairita ang mga sus­pek hanggang sa sugurin at gulpihin at saksakin ang mga biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments