^

Metro

2 miyembro ng 'Gapos Gang', arestado

-

Arestado ang dalawa sa anim na suspek na kabilang sa Utol-Gapos Gang na bumik­tima sa mga negosyanteng intsik makaraang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa San Juan City.

Kinilala ni Police Supt. Pro­copio G. Lipana, hepe ng San Juan PNP ang mga suspek na sina George Aguam, 38, biyudo, tubong-Occidental Mindoro at Henry Tavares, 37-, tubong Albay at kapwa kabilang sa sindikatong “Utol Gang” Rob­bery Gapos na sumasalakay sa Metro Manila.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspek sa may Cir­cumferential Road, Antipolo City.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa drayber ng taxi na ginamit na get away vehicle ng mga sus­pek sa may paradahan ng Golden Boy Taxi Co. na mata­tag­puan sa Tanglaw St., Man­daluyong City na kung saan naaresto ang suspek na si Aguam.

Matapos ang isinagawang interogasyon kay Aguam ay sunod na naaresto ang ika­lawang suspek na si Tavares na nakuhanan ng kalibre .45 baril na may limang bala at hinihi­nalang ginamit sa krimen.

Magugunita na noong Dis­yembre 1 ay pinasok ng mga sus­pek ang bahay ng Chinese businessman na si Nestor Chua, 53-anyos, kung saan igina­pos siya at kanyang anak at dalawang kasambahay ng mga suspect bago kinulimbat ang kanilang mga gamit.

Pinaghahanap na ng pulisya ang apat pang kasama ng da­lawang nadakip na suspek. (Edwin Balasa)

AGUAM

ANTIPOLO CITY

EDWIN BALASA

GAPOS GANG

GEORGE AGUAM

GOLDEN BOY TAXI CO

HENRY TAVARES

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with