Taiwanese tiklo sa mga baril at droga

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Taiwanese national matapos mahulihan ng mga baril at iligal na droga ma­karaang salakayin ang inuupa­han nitong condominium sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ni   NBI Director Nestor Mantaring ang nadakip na dayuhan na si Chen Tsung Hsing, alyas “Salute Chen”, 53, pansamantalang nanunuluyan sa Room #2135 City Land Con­­do­minium, Chino Roces, Makati City.

Armado ang NBI ng search warrant nang salakayin ang tinutuluyan nito matapos na makatanggap na impormasyon na iligal itong nag-iingat ng mga baril.

Nasamsam ng NBI ang isang kalibre 40 baril , magnum 357, kalibre 32, isang 9mm Desert Eagle pistol na nasa kanyang beywang at dose-dosenang mga bala.

Bukod sa apat na baril at mga bala, nadiskubre din ang shabu at shabu paraphernalias sa suspek. (Ludy Bermudo)

Show comments