Tinagubilinan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng QC hall at ang QC Franchising Board na pinamumunuan ni QC Councilor Allan Francisco na upuan ang posibleng pag-rolback sa pasahe sa mga tricycle na bumibiyahe sa Quezon City.
Ang hakbang ay tugon ni Belmonte sa panawagan ng DILG na maibaba na ang pasahe sa mga tricycle dahil bumaba na ang presyo ng diesel at gasolina. Ito ang naging dahilan kung bakit bababa na rin ang pasahe sa jeep, bus at taxi epektibo December 15.
Ang TRU at ang tanggapan ni Francisco ay patuloy sa pag-uusap upang madesisyunan kung nararapat na ring maibaba ang pasahe sa tricycle.
Noong Hulyo ng taong ito, ginawang P15 ang minimum na pasahe sa tricycle nang sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. May 47 TODA sa Quezon City. (Angie dela Cruz)