Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang tatlong top ranking officials ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Abra, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.
Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap nina PNP Chief Director General Jesus Verzosa at Police Regional Office ( PRO) 1 Director Chief Supt. Luizo Ticman sina Edgardo Molina, alyas Ka Dong/Bobby, Commanding officer; Edwin Balawag, alyas Ka Bagyan, Executive Officer; at Rosemarie Domingo, alyas ka Ramses, Medical Officer.
Ayon kay Verzosa, ang mga ito ay pawang mga opisyal ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) ng NPA sa Northern Luzon kung saan si Molina ay may P1-M reward.
Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at multiple frustrated murder kung saan nila co-accused si Jose Maria Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Patuloy namang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng pulisya ang mga nagsisukong PNP top leader. (Joy Cantos)