Isang lider ng organisasyon ng mga human rights victims ang iniulat na dinukot kahapon ng walong armadong kalalakihan malapit sa isang police detachment sa Maharlika Village, Taguig City.
Kinilala ng grupong Karapatan ang biktima na si Mohammad Diya Hamja na sinasabing dinukot ng mga suspect na pawang sakay ng isang kulay puti na L-300 van na may plakang XHC-238.
Nabatid na kalalabas pa lamang ng biktima sa Blue Mosque sa Mindanao Avenue noong November 28 ng taong kasalukuyan nang dukutin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa harapan mismo ng Special Weapons and Tactics detachment sa Maharlika Village.
Napag-alaman na si Hamja ay isa sa tumatayong lider ng Moro Christian People’s Alliance (MCPA) at grupong “Hustisya” ng mga human rights victims. (Rose Tamayo-Tesoro)