^

Metro

Lider ng human rights group dinukot

-

Isang lider ng organisasyon ng mga human rights victims ang iniulat   na dinukot kahapon ng walong armadong kala­lakihan malapit sa isang police detachment sa Maharlika Village, Taguig City.

Kinilala ng grupong Kara­patan ang biktima na si Mo­hammad Diya Hamja na sinasabing dinukot ng mga suspect na pawang sakay ng isang kulay puti na L-300 van na may plakang XHC-238.

Nabatid na kalalabas pa lamang ng biktima sa Blue Mosque sa Mindanao Avenue noong November 28 ng taong kasalukuyan nang dukutin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa harapan mismo ng Special Weapons and Tactics detachment sa Maharlika Village.

Napag-alaman na si Hamja ay isa sa tumatayong lider ng Moro Christian People’s Alliance (MCPA) at grupong “Hustisya” ng mga human rights victims. (Rose Tamayo-Tesoro)

BLUE MOSQUE

DIYA HAMJA

HAMJA

HUSTISYA

ISANG

MAHARLIKA VILLAGE

MINDANAO AVENUE

MORO CHRISTIAN PEOPLE

ROSE TAMAYO-TESORO

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with