^

Metro

3 poste nagbagsakan matapos salpukin ng container van

-

Naging masikip ang daloy ng trapiko kahapon sa lugar ng China Town, matapos na bu­mag­sak ang tatlong poste na kina­bibilangan ng poste ng Manila Electric company (ME­RALCO) at dalawang poste ng Philippine Long Distance Tele­phone (PLDT) nang bang­gain ng isang 40-foot container van sa Bi­nondo, Manila, kamaka­lawa ng gabi. Kabilang din sa mga na­pin­salang sasakyan ang ambu­lansiya ng Chinese vo­lunteers rescue unit (SET-289) at da­lawang fire truck na may pla­kang RDA-976 at CDY-749, na naka-park sa lugar.

Batay sa ulat ng Manila Traf­fic and Parking Bureau (MTPB) sa Manila City Hall, ang truck na (REE-732) na pag-aari ng Cirbed Freight and Brokerage Com­pany at mina­ma­neho ni Renato Balisi ay nabalahaw sa lugar hang­gang kahapon ng umaga sa kalye ng Quintin Pa­redes at Ongpin sa Binondo, dahilan para maging mabigat ang daloy ng trapiko sa lugar.

Bagamat walang nasaktan sa naganap na pagbagsak ng mga poste, dakong alas-11 ng gabi pansamantalang pinutol ang daloy ng kuryente sa lugar. Sanhi nito nagkaroon ng re-routing sa daloy ng tra­piko sa mga pampublikong sa­sakyan sa Jones Bridge, na direktang pinadaan sa Es­colta,habang ang mga pa­punta sa Jose Abad Santos Street ay pinadaan sa Juan Luna Street.

Nasa kustodiya ngayon ng MTPB si Balisi at sinampahan ng ilang kaso ng reckless im­prudence resulting in da­mage to property. (Doris Franche)

CHINA TOWN

CIRBED FREIGHT AND BROKERAGE COM

CITY HALL

DORIS FRANCHE

JONES BRIDGE

JOSE ABAD SANTOS STREET

JUAN LUNA STREET

MANILA ELECTRIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with