^

Metro

PDEA dismayado sa mga hukom at piskal

-

Muling umapela ang Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) sa mga hukom at piskal sa mga korte sa bansa na pabilisin ang takbo ng mga kaso ukol sa iligal na droga partikular na ang mga dayuhang drug lords na kanilang nadakip.

Ito’y matapos na magpahayag ng pagka­dismaya si PDEA Director General Dionisio San­tiago Jr. sa bagal ng resolusyon sa mga drug cases na kanilang isinampa sa mga korte at napakababang bilang ng mga napapa­tunayang nagkasala at naparurusahan.

Sa datos ng PDEA, 21% lamang sa 99,434 kaso na kanilang isinampa sa mga korte ang nare­solba na habang ang iba ay patuloy pa ring nakabinbin. Mas masama pa dito na sa 21% na­resolba, 14% nito ay nauwi sa dismissal o pagka­ka­walang-sala ng mga akusado. Hindi naman matang­gap ni Santiago na doble ang bilang ng mga nadi-dismiss na kaso kaysa sa mga napapatunayang nagkasala.

Pinaalala ni Santiago sa mga hukom at mga piskal ang malaking papel na kanilang gina­gam­panan sa paglaban sa iligal na droga.

Kung mas marami ang guilty verdict na maipapa­labas ng mga korte, magiging ma­laking mensahe ito sa mga sindikato na ser­yoso ang pamahalaan sa paglilinis sa bansa sa iligal na droga. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DROGA

DRUG ENFORCE

KANILANG

KORTE

PINAALALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with