'Tulak' itinumba ng mga kasamahan

Isang lalaking hinihina­lang “tulak” ng droga ang binaril sa ulo at pinatay ng dalawang kasamahan nito matapos magka-onsehan kahapon sa Valenzuela City. Nasawi noon din ang biktimang si Eufracio Es­tanol, 30, nakatira sa Dulong Tangke St., Brgy. Malinta ng nabanggit na lungsod. Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspek   matapos isagawa ang pa­mamaril.

Sa imbestigas­yon ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas 12:30 ng tanghali sa na­sabing lugar habang naka­tayo ang biktima nang lapitan ng dalawang hindi na­­kilalang suspek at walang sabi-sabing pinag­ba­baril ito. Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente at isa sa ka­nilang anggulong tiniting­nan ay onsehan sa droga dahil sinasabing tulak umano ng droga ang bik­tima sa kanilang lugar. (Lordeth Bonilla)

Show comments