^

Metro

Tamad at nagtutulog na mga pulis, gagamitan ng sirena

-

Gagamitan ng mga si­rena at blinkers ng Que­zon City Police District (QCPD) ang kanilang mga tatamad-tamad na kabaro na nagtu­ tulog sa pagtupad ng ka­nilang tungkulin. Sinabi ni QCPD direc­tor, Sr. Supt. Mag­tanggol Gatdula na ipapatupad nila ngayon ang “Oplan Sirena Bulabog” na binuo ni Sr. Supt. Frederico Laciste, Deputy District Director for Operations.

Ipinaliwanag ni Gatdula na ang mga pulis na naka­talaga sa isang “Fixed Visi­bility Points (FVP)” sa lung­­sod ay madalas na nagre-relax kapag naging pamil­yar na sa kanila ang lugar. Sa pamamagitan ng pro­grama, makakalampag ang mga pulis na ito at ili­lipat sa ibang lugar para mapala­wak ang sakop ng lungsod na kanilang pag­pa­patrul­yahan.

Sa ilalim ng programa, magtatalaga ng mga patrol units ang QCPD sa bawat FVP sa 11 istasyon sa lung­sod. Kakalampagin na­man ng District Tactical Opera­tions Center (DTOC) ang mga ito sa nakatak­dang oras sa pamamagi­tan ng radyo upang mag­pa­litan ng kanilang posisyon. Dito na paaandarin ng patrol units ang kanilang mga sirena at blinkers ha­bang lumilipat ng lugar upang makalam­pag na­man ang mga ma­sa­sa­mang loob sa presen­sya ng pulisya. (Danilo Garcia)

CITY POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

DISTRICT TACTICAL OPERA

FIXED VISI

FREDERICO LACISTE

GATDULA

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with