Ina binigti ang 2-anyos na anak bago nag-suicide

Binigti muna ng isang ina ang 2-anyos niyang anak bago nagpaka­matay ang una dahil sa labis na hinanakit ng ginang sa kanyang mis­ter dahil sa hindi pagbi­bigay ng suporta sa kanila, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Halos mawalan ng ulirat nang abutan ni Reggie Agulay, manager ng Filipino Food Favorite, ang kalunus-lunos na ka­lagayan ng kanyang asawa at anak na nakila­lang si Marivic Agulay, 26; at Kate Angelic, na wala nang buhay habang na­kabitin sa kisame ng inu­upahan nilang bahay sa Area 7-A Fourth Es­tate, Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Odeo Carino, may hawak ng kaso, dakong alas- 6:20 ng gabi, dumating sa kanilang bahay mula sa trabaho si Reggie at pag­pasok nito ay nakita ang misis na si Marivic na na­ka­­bitin sa kisame ng kanilang bahay sa kusina gamit ang cord ng plan­tsa, habang naka­bigti rin sa pamamagitan ng sintas ng sapatos sa tabi ng ginang ang ka­nilang anak.

Bago umano nagpa­ka­matay ang nasabing ginang ay nakapagpa­dala pa ito ng text mes­sage sa mister na ganito ang nakasaad: “Bahala ka na, tahimik na kami ng anak mo.”

Bukod sa nasabing text message, natagpuan din ang tatlong-pahinang suicide note ng babae na naglalaman ng kanyang hinanakit sa asawang si Reggie dahil sa umano’y hindi nito pagbibigay ng halaga sa iniukol nitong pagmamahal.

Nakasaad din sa kan­yang sulat na tanging ang pagpapatiwakal lamang ang alam niyang paraan para maipadama ang kanyang pagrerebelde sa mister.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na malaki ang hinanakit ng ginang dahil sa umanoy kalahati ng sahod ng lalaki ay napu­punta sa pamilya o ka­anak nito kaya’t hindi sila makaahon sa kahirapan.

Napag-alaman na bago isinagawa ng gi­nang ang pagpapaka­matay ay ibinitin muna nito ang anak gamit ang sintas ng sapatos, hina­ra­ngan ang pinto ng bahay ng silya at ipina­tong ang kanilang TV bago nilakasan ang radio kaya’t inakala ng mga kapitbahay na nagkaka­sa­yahan lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Nakapasok lamang umano si Reggie sa pa­mamagitan ng pagbaklas sa jalousie ng bahay.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Show comments