2 pusher timbog

Nadakip ng pulisya ang dalawang hinihinalang drug pushers na matagal nang inirereklamo ng mga residente sa isang barangay kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Dante Amorado, 32, ng Brgy., Alabang, at Rasid Deculano, 34, ng Dama de Noche St., Sto Niño, West Cupang ng nabanggit na lungsod. 

Nabatid na halos inabot ng dalawang linggo ang ginawang pagma­manman nina SPO4 Faustino Atienza, team leader ng Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group bago tuluyang bumagsak sa isinagawa nilang buy-bust operation ang mga suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments